Mga Key Safety Tips
Lindol 101 - Ano ang mga HINDI Dapat Gawin Bago, Habang, at Pagkatapos ng Lindol?
Bago Tumama ang Lindol...
HUWAG KALIMUTANG gumawa, talakayin, at sundin ang emergency plan ng inyong pamilya.
HUWAG KALIMUTANG magtabi ng listahan ng mga maaaring tawagan sa tuwing may sakuna.
HUWAG MAGLAGAY ng mga babasagin, matutulis, at mabibigat na bagay sa itaas ng kabinet.
HUWAG MAG-IWAN ng mga nakabitin na bagay (salamin, naka-frame na larawan, halaman, atbp.)
sa mga pader at mga lugar kung saan madalas daanan sa bahay upang maiwasan ang mga potensyal na disgrasya o pinsala
Habang Lumilindol
HUWAG MAG-PANIC
HUWAG NANG MAGHINTAY bago dumating pa ang mga awtoridad upang tulungan kayo at ang mga nasa panganib tuwing may sakuna;
baka hindi sila makaabot sa oras, kaya napakahalagang maging alerto at mabilis kumilos.HUWAG MAGING PABAYA; mag-isip muna ng isang rasyonal na plano bago kumilos.
HUWAG KALIMUTAN na laging takpan at protektahan ang iyong ulo; Drop, Cover, and Hold.
HUWAG GAMITIN ang iyong telepono maliban kung ito'y kinakailangan.
HUWAG MAGSINDI ng kandila, posporo, o iba pang bukas na apoy; patayin ang lahat ng apoy.
HUWAG TUMAKBO papunta sa labas o sa ibang kuwarto; Hintayin muna pagkatapos tumigil ang pagyanig.
HUWAG TUMAMBAY malapit sa isang pintuan.
HUWAG SUMAKAY AT IWASAN ang paggamit ng mga elevator dahil maaari itong magkaproblema at
tumigil sa pagtatakbo; sa halip ay lisanin ang gusali gamit ang mga hagdanan na lamang.
Pagkatapos ng Lindol
HUWAG MAG-ON kaagad-agad ng mga electrical swtich o home appliances; tingnan muna kung mayroong natapong gas sa iyong lugar.
HUWAG HUMAWAK ng mga PVE wires sa iyong paligid; i-check ang mga tubo ng tubig, electrical panels at fittings. Kung sira, patayin ang mga main valves nito.
HUWAG AGAD-AGAD pumunta sa loob ng mga gusali; humanda para sa mga posibleng aftershocks.
HUWAG PUMASOK sa mga gumuhong istraktura; humiling ng suporta mula sa emergency response team kapag may nangangailangan ng tulong para makalabas sa gusali.
HUWAG MAG-AKSAYA ng iyong mga emrgency supplies; tipirin ang inyong tubig, medical supplies, at ang baterya ng iyong phone.