Mga Key Safety Tips
Ano ang Lindol?
Ang lindol ay ang biglaang pagyanig ng lupa na maaaring dahil sa pagputok ng bulkan o paggalaw ng Tectonic plates sa ilalim ng lupa.
Hindi tulad ng bagyo, posibleng magdulot ng malaking pagkawasak nang walang babala ang lindol sapagkat wala pa tayong
eksaktong pamamaraan upang malaman kung kailan at saan tatama ang susunod na lindol.
Nang dahil matatagpuang malapit ang Pilipinas sa Pacific Ring of Fire at Typhoon Belt,
idineklara ito bilang isa sa mga bansang madalas tamaan ng kalamidad.
Mga Epekto ng Lindol sa Kapaligiran
▶ Pagbitak ng Lupa
- maaaring makaapektuhan ang malalawak na lugar at magdulot ng matinding pinsala sa mga istraktura, kalsada, riles, at padaanan ng tubo
▶ Pagguho ng Lupa
- maaaring magresulta sa pagbagsak ng mga labi at bato
- maaaring maginng sanhi sa pagkasara ng mga kalsada at pagputol ng utility lines
▶ Liquefaction
- nagiging likido ang lupa habang lumilindol
- maaaring humantong sa pagkabagsak, pagkalubog, o pagkatabingi ng mga gusali at istruktura
▶ Tsunami
- ang sunod-sunod na alon na nabubuo dahil sa pagsabog ng bulkan o isang lindol na maaaring umabot mula sa sahig ng dagat hanggang sa ibabaw ng lupa
▶ Apoy
- kapag ang mga linya ng kuryente at gas ay natanggal dahil sa pagyanig ng lupa,
maaari itong maging sanhi ng malaking sunog