Lindol 101 - Ano ang mga Dapat Gawin Bago, Habang, at Pagkatapos ng Lindol?

    Bago Tumama ang Lindol...

      • MAGPRAKTIS kung paano gawin ang Drop, Cover, and Hold kasama ang iyong mga kamag-anak

      • BUMUO ng emergency earthquake plan para sa inyong pamilya.

      • MAGLAAN ng lugar kung saan maaaring pumunta ang iyong pamilya
        iyong pamilya nakatitiyak na kayo ay ligtas

      • SURIIN ang bawat sulok ng iyong bahay; alamin kung saan ang peligroso at hindi delikadong parte ng tahanan.

      • MAGHANDA ng emergency kit na may nilalaman
        na sapat na tubig, pagkain, flashlight, debateryang radyo, pito, at mask

      • SIGURADUHING hindi makaka-abala ang mga hazardous equipment (mabigat na kagamitan, salamin, nakasabit na bagay, at madaling masunog na gamit).

      • MATUTO kung paano gumamit ng fire extinguisher

      • ILISTA ang mga maaaring tawagan sa tuwing may sakuna

Habang Lumilindol...

      • MANATILING kalma at huwag mag-panic

      • DROP, COVER, AND HOLD.

      • MANATILI kung nasaan ka hanggang sa tumigil ang pagyanig.

      • ISIPIN muna kung kung paano isasagawa ang iyong plano ng pagkilos.

      • PUMUNTA sa pinakamalapit na evacuation center.

          • KAPAG NASA LOOB NG ISANG GUSALI...

              - yumuko sa ilalim ng matibay na muwebles (kama, lamesa, upuan, atbp.)
              - umiwas sa mga salamin, aparador, bintana, at mabibigat na gamit na maaaring mahulog

            KAPAG NASA LABAS...

              - MAGTUNGO sa isang open area malayo sa kahit anumang matangkad na bagay na maaaring gumuho
              (gusali, cell site tower, matataas na puno, linya ng koryente, atbp.)

      Pagkatapos ng Lindol...

      • ASAHAN at manatiling alerto para sa posibleng aftershocks

        • KAPAG NASA LOOB NG SIRANG GUSALI...

          - agad na lisanin ang gusali at pumunta sa evacuation center

          KAPAG NAKAKULONG SA GUSALI...

          - takpan ang iyong mukha upang hindi makapasok sa loob ng iyong bibig, ilong,
          at mata upang hindi ito mapasukan ng alikabok.
          - magpadala ng text o gumawa ng kahit anong ingay upang
          maalertuhan ang mga rescuer sa iyong lokasyon
          - gamitin ang iyong pito imbes na sumigaw

          KAPAG NASA TABING DAGAT AT MAY BANTA NG TSUNAMI...

          - lumikas agad patungo sa ligtas at mataas na lugar pagkatapos ng pagyanig
          - umiwas sa tubig-baha na maaaring may nakahalong kemikal, dumi, at mga labi
    • HUMANDA sa pag-Drop, Cover, and Hold

    • HUGASAN ang iyong mga kamay at wisikan ito ng alcohol

    • SURIIN ang iyong sarili at mga tao sa paligid kung may tinamong pinsala

        KUNG MAY NAWAWALA AT NANGANGAILANGAN NG TULONG...

        - humingi ng tulong mula sa emergencyresponse team
        - tukuyin ang mga nawawala at sugatang mamamayan
  • MAGBIGAY ng paunag lunas kung kailangan.

  • UNAHIN ang mga pangangailangan ng mga bata, matatanda, buntis, at may kapansanan.

  • MAKIPAGTULUNGAN sa mga opisyal.

  • MAG-IINGAT sa mga nahulog na labi at lumayo sa mga gusali
    o nasirang pasilidad hangga't walang abiso na nagsabing ligtas ito.

  • BUKSAN ang radyo at makinig sa balita

  • SURIIN kung may natapong nakalalasong kemikal at mga bagay
    na maaaring pagmulan ng sunog.(linya ng tubig at koryente, tangke ng gas o LPG, atbp.)