Mga Key Safety Tips

Manatiling Kalma at Huwag Mag-Panic

Sa isang nakababahalang sitwasyon, maaaring ito'y mas lalong mapalala kung ika'y mawalan ng pokus. Panatilihing kalmado ang iyong utak nang maging maayos ang iyong pag-iisip at makakilos nang tama.

Gumawa ng Plano

Iakma ang iyong mga plano at suplay ng gamit ayon sa iyong mga responsibilidad at partikular na mga pangangailangan. Tumatag ng isang ligtas at madaling hanapin na lugar para sa iyong pamilya kung sakaling ikaw at ang pamilya mo ay nagkahiwalayan.

Maging Up-to-Date

Sa panahon ng may sakuna, maaaring ikaw at ang pamilya mo ay hindi magkakasama, at posible ring mawalan ng signal o mga paraan upang sila ay iyong makontak. Kung kaya't mahalaga rin kung paano kayo makikipag-ugnayan sa isa't isa sa iba't ibang sitwasyon tuwing may kalamidad.

Maging Handa at Laging Alerto

Alamin kung kanino dapat lumapit para sa mga balita at babala sa tuwing may sakuna. Laging titingnan ang iyong paligid at manatiling alerto upang maka-iwas sa panganib. Siguraduhing may nakahanda at magdala ng emegency supply kit.

Mga Sakuna at Kalamidad

Lindol

Ang biglaang pagyanig ng lupa na maaaring dahil sa pagputok ng bulkan o paggalaw ng Tectonic plates sa ilalim ng lupa na maaaring magdulot ng malaking pinsala nang walang babala.

Pagputok ng Bulkan

Tuwing umaapaw ang magma mula sa bibig ng bulkan, ang tunaw na bato, usok, at iba pang mga debris ay nakakatakas sa bilis na hanggang 100mph patungo sa lupa. Sinisira nito ang kahit anumang makasalubong at maaaring magdulot ng malalang epekto sa ating kalusugan.

Tsunami

Ang sunod-sunod na malalaking alon dulot ng biglaang paggalaw ng ocean surface na isang sanhi ng lindol, paggugo ng lupa sa ilalim ng dagat, pagsabog ng ulan, o pagbagsak ng meteorite. Maaari itong makapinsala o makasira ng mga imprastraktura, at dalhin sa peligro ng tao.

Bagyo

Mga uri ng tropical cyclone o matinding tropikal na bagyo. Ang mga ito ay malawak, at maliksi ang ikot ng dalang marahas na hangin at ulan. Maaari silang magdulot ng malawak na pinsala mula sa malakas na pag-ulan, baha at tangay na debris mula sa labis na hangin; kadalasan itong nakamamatay at tiyak na mapanira.

Matuto pa Tungkol sa mga Lindol

Take a look at the theories behind why earthquakes occur, what makes them so hard to predict and the warning system technologies we rely on today.— TED-ED

Matuto pa Tungkol sa Pagputok ng mga Bulkan

Dig into the science of how new volcanoes form, and what causes their unpredictable eruptions.— TED-ED

Matuto pa Tungkol sa mga Tsunami

The immense swell of a tsunami can grow up to 100 feet, hitting speeds over 500 mph -- a treacherous combination for anyone or anything in its path. Alex Gendler details the causes of these towering terrors and explains how scientists are seeking to reduce their destruction in the future.— TED-ED

Matuto pa Tungkol sa mga Bagyo

Hurricanes are the most powerful storms known to man. Find out when hurricane season peaks, how the storms form, and the surprising role they play in the larger global ecosystem.— National Geographic